Thursday, May 29, 2008
Hangin
Nahirapan akong pumili ng lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy para sa temang "hangin". Paano mo nga ba makukuhanan ang isang bagay na di mo naman nakikita?
Ipagpaumanhin na at kuha ito habang nasa loob ako ng sasakyang bumabagtas sa kahabaan ng interstate. Kaya may repleksiyon pa ng camera kung papansinin nyo ng mabuti. Di ko na maalala kung saan eksakto pero madadaanan ito kung ikaw ay papuntang San Francisco (galing LA). "Windmills" nga ba ang tawag dito? Malamang.
O sya, makaikot na nga muna sa iba pang lahok nang makita ko kung paano na-interpret ng iba ang tema. Hanggang sa susunod.... Maligayang LP!
Labels:
Litratong Pinoy,
Take 5
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Gusto ko ang paglalaro ng ilaw sa iyong lahok ngayong linggo - parang may "halo effect" kasi - ganda!
ReplyDeleteHappy Huwebes sa iyo!
wow! napakagandang larawan ng wind farm. ito na kaya ang solusyon sa krisis ng langis?
ReplyDeletemaganda naman ang naging epek ng reflection ng camera mo...may drama...
ReplyDeleteMaganda ang kuha mo at ang dami ng windmills dyan.
ReplyDeleteang ganda ng mga kulay!
ReplyDeletemagandang huwebes sa'yo!
gandang pagmasadang ang hele-helerang windmills...salamat din sa pagdalaw. magandang araw ng Huwebes sa iyo.
ReplyDeleteMaganda ang naging effect ng refelctions sa larawan mo! At gusto ko din ang vignette na nakapaligid sa larawan!
ReplyDeleteMagandang Huwebes sa yo kaibigan! :)
maganda gustong gusto kong makakita ng mga ganyan, ang dami nila ha.. Happy huwebes
ReplyDeleteAng dami. Pareho kayo ni Dragon Lady ng kinuhanan :)
ReplyDeleteMagandang araw sa iyo, Linnor.
ang ganda ng iyong lahok! salamat sa pag-share nyo ng iba-ibang anggulo ng windmills na ito :)
ReplyDeletenahalata ko nga ang sinasabi mong repleksyon . . subalit maganda pa rin ang larawan. noong una, akala ko eto ung nasa ilocos subalit mas marami palang 'windmills' to. hahaha! :)
ReplyDeleteang ganda ng kulay! lalo na't parang nakagilid ang dark blue na ulap. maski kita ng kaunti ung camerang gamit, husay padin ng pagkakakuha
ReplyDeleteganda ng kuha! tamang tama ito dahil ang dami ng nagrereklamo na mataas na ang singil ng meralco :D
ReplyDeletehappy LP!!
cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/
Hay! windmills uli! Ganda ganda naman ng paborito kong kulay! Happy LP!
ReplyDeleteang ganda naman...galing galing
ReplyDeletehappy LP :)
galing kahit kinunan habang umaandar ang sasakyan! pang tatlo o apat na windmill na itong nabisita ko. Meron din tayo nyan sa Ilocos :)
ReplyDeletewow! ang ganda!
ReplyDeletemga higanteng bentilador heheh..
ReplyDeleteang husay ng kuha!
nakalimutan ko na kung ano ang tawag jan,pero nakakita ako ng ganyan habang nag dra drive papunta kami ng Las Vegas from CA,ang dami nga yan sa Interstate.
ReplyDeleteito yata ay pang anim na entry ng windmills na nakita ko plus sa akin hahaha. keep up! happy weekend po!
ReplyDeleteOo windmills nga ang tawag dyan. Ang ganda. Dito sa may Pagudpud meron din nyan.
ReplyDeleteSalamat sa pagdalaw sa entry ko.
ang ganda ng pagkakakuha!!!! at ang ganda ng kulay berde na kapaligiran!
ReplyDeletehappy weekend!
ang ganda naman ng lugar na yan. hindi na baleng may reflection sa salamin ng sasakyan. yan ba yung sa pelikula ni jodie foster ba yun? contact?
ReplyDeletebeautifuuuuul, the colors, the serenity, all of it!
ReplyDeletehi linnor! naku, ngayon lang ako nagka-panahon na mabisita ang iyong lahok. naka-block pa rin ang ilang sites mula sa aming opisina. anyway, nakakaaliw talaga ang windmills na mga iyan sa I5. bibisitahin ko pa ang ibang lahok at balita ko'y marami-rami tayong nagsumite nang ganitong litrato! ayus! happy LP!
ReplyDeletehahaha. nagulat ako sa third party mo :D
ReplyDeletesalamat sa comment linnor :D
6 | ettey
ReplyDeleteMay 29, 2008 at 8:08 am | edit
ang ganda ng lomo effect sa larawan mo :) maligyayang huwebes po!
Linnor replied:
Tama. Lomo effect nga ang ginamit ko para lalong mabuhay ang kulay ng larawan. :) Salamat!
8 | lino
May 29, 2008 at 8:49 am | edit
nadaanan ko rin nung nagpunta kme ng yosemite from san fo… happy huwebes… :)
Linnor replied:
ah so malapit na pala ito ng sanfo… di ko na kasi maalala :)
11 | Arvin
May 29, 2008 at 12:15 pm | edit
Paano ba gawin yang nagdadark sa gilid, hehehe:D ganda e:D Nsa pinas ako kaya sa leyte lang ata may ganyan, hehehe.
Linnor replied:
hi arvin, vignette ang tawag sa pagdadark sa gilid or puede din gamitan ng lomo effect. may mga photo editing applications na puedeng makagawa ng ganyan. :)
14 | Thess
May 29, 2008 at 1:51 pm | edit
Nakita ko mga daliri mo sa reflection ha ha! Maganda ang vignette effect nya, Linnor..at ang ganda din ng kulay ng langit.
Nice take on the theme, medyo mahirap nga this week :)
Linnor replied:
Huli pala ang mga daliri ko! Hahaha…
15 | toni
May 29, 2008 at 2:59 pm | edit
Ang ganda-ganda ng litrato mo Linnor! Parang pam-postcard!! Kulang nalang ay lagyan mo ng “Wish you were here.” Hehehe. Maligayang Huwebes sa iyo kapwa kong marikit na kapatid!
Linnor replied:
hi marikit sis! :)
16 | architect
May 29, 2008 at 4:45 pm | edit
ganda… saan to kuha????????? naway masulyapan mo rin ang aking lahok
Linnor replied:
kuha sa isang freeway sa california, taong 2006. :) dumaan na rin pala ako sa lahok mo ;)
17 | Girlie
May 29, 2008 at 5:43 pm | edit
sarap naman, nag long drive kayo?
Linnor replied:
hi girlie! napasubo sa long drive si hubs kasi nagtitipid. hehehe…
21 | Meeya
May 29, 2008 at 8:48 pm | edit
sis, pareho tayo ng picture! :) pati yung lugar na pinagkuhanan natin pareho hehehe. mas maaga ka lang dumating kesa sa akin. :)
Linnor replied:
grabe, what are the odds no? hehehe….
22 | christine
May 29, 2008 at 9:19 pm | edit
ang liwanag pa rin ng kalangitan kahit na mahangin. nakaka relax ang picture mo linnor. salamat! :)
happy thursday, din :)
Linnor replied:
nakakarelax and nakakaantok din. tulog ako some parts of the long drive, buti nakita ko ang mga yan :)
24 | iris
May 29, 2008 at 10:35 pm | edit
it’s official, ang dami niyo ng kumuha ng windmills para sa tema ngayong linggo! hehe. ang ganda ng kuha mo. ang tingkad ng mga kulay, at never mind ng kinuha habang gumagalaw ang sasakyan. malinaw naman! :)
Linnor replied:
windmill ang unang pumasok sa isip ng marami ngayong linggo :) salamat sa compliment!
31 | Leap of Faith!
May 31, 2008 at 2:11 am | edit
Hi Linnor. I like your windmills… baka pareho ito sa I5 entry ni Meeya. I’m sure na mangha ka when you saw all those windmills – I’m sure I would have been.
Happy LP!
Linnor replied:
Salamat Leap of Faith! Gandang tanawin nga ang mga windmills na yan sa kahabaan ng interstate. :)
32 | Junnie
May 31, 2008 at 6:08 am | edit
Wind farm ang tawag dito…ang windmill ito. Old style lang.
di mo binuksan ang bintana mo? baka liparin ng hangin ang camera, LOL!
Salamat sa pagudyok at nakasali ako sa LP…andito pala rin ako sa LP sa Las Pinas hehehe
Linnor replied:
ayun, wind farm. dalawa kayong nag-comment na yan ang tawag sa hilera ng windmills na yan. bagong natutunan ko. di ko nga binuksan ang bintana ko for that reason. eheheh… sali ulit sa thu ha?
35 | linnor
ReplyDeleteMay 31, 2008 at 3:11 pm | edit
Hello sa lahat! Salamat sa pagdalaw at sa magagandang papuri! Rest assured, dinalaw ko na rin ang mga lahok ninyo at nakita ko ang iba’t ibang interpretasyon sa tema ngayong linggo…. ;)
Enjoy the weekend!