Thursday, June 5, 2008

Pag-iisang Dibdib

40th


Ito ang napili kong litrato para ipagmalaki sa lahat na apatnapu't isang taon nang nagsasama sina Pa at Ma mula nang sila ay makipag-isang dibdib sa isa't-isa noong Disyembre 22, 1966.

Panalangin ko na sana, kaming tatlong bunga ng pag-iisang dibdib na ito ay maging matibay din sa aming mga pagsasama. Hindi madali ang pag-aasawa, lalo na kung dalawang magkaibang personalidad ang magsasama. Pero naniniwala ako na malaki ang naitutulong sa matiwasay na pagsasama ang pagkakaroon ng "third party". Ang tinutukoy ko ay ang Maykapal na siyang nagbibigkis sa dalawang nagmamahalan.

Akala nyo kung anong "third party" ano? :D

---
Narito pa ang ibang mga kalahok sa tema ngayong linggong ito sa Litratong Pinoy. Samahan nyo akong umikot. :)

30 comments:

  1. 41 years! Wow! Bihira na lang ang tumatagal katulad nila. Isang inspirasyon ang kanilang pag-iisang dibdib.

    ReplyDelete
  2. oo nga ang tagal na nila, sa awa ng Diyos ( naawa na lang no? he he) aabot din tayo dun!

    happy LP!

    ReplyDelete
  3. wow! matibay ngang tunay! at mukhang ang sweet sweet pa rin nila ano...sana nga tayo rin ...

    ReplyDelete
  4. 41 years, wow Linnor! Congrats sa parents mo. Totoo sinabi mo, hindi madali ang pag-aasawa dahil 2 magkaibang personalidad na laging magkasama.
    pero pag tunay ang pag-ibig, kayang kaya suuingin lahat di ba? ;)

    happy huwebes!

    ReplyDelete
  5. Wow! Minsan naglalakad kami ng aking kabiyak sa makapal na niyebe ay nakakita kami ng may edad na mag-asawa na naglalakad magkahawak ang kamay. Bigla niya akong tinanong na 'ganyan kaya tayo pagtanda natin?' -Ah sana nga gaya din ng iyong mga magulang...

    ReplyDelete
  6. ang ganda linnor! nakakatuwa talaga at sila tito paparazzi at tita mamarazzi ay umabot ng 40 yrs! sana ay humaba pa ng maraming taon!

    happy thursday!

    ReplyDelete
  7. wow! ang galing naman at 41 years na sila... sa hirap at ginhawa talaga... at kitang-kita ang saya at pride sa isa't isa sa mga mukha nila...

    ReplyDelete
  8. kala ko naman kung anung third party yun, hehehe:) tama, mahalaga nga Siyang kasama sa kahit anumang bagay sa ating buhay:D

    ReplyDelete
  9. Tunay na pinagpala ang nakakarating ng ganito katagal na pagsasama - congrats sa iyong mga magulang! :)

    At iyong "third party" - agree ako sa iyo, diyan, sister!

    Happy Huwebes!

    ReplyDelete
  10. wow! nakakabilib talaga!
    magandang huwebes sa'yo!

    ReplyDelete
  11. 41 years!! bihira na yan...sana ay magtagal pa sila :D

    cookie
    http://scroochchronicles.blogspot.com/

    ReplyDelete
  12. Wow! 41 years, aba, ibang klase ha, bibihira na ang ganyan sa makabagong panahon na tila ba nawala ang pagiging sagrado ng isang kasal.

    Magandang Huwebes, Linnor :)

    ReplyDelete
  13. sana umabot din kami sa ganyan...upang makita ko pang kumaki ang aking mga magiging apo. :) excite!

    masayang araw ng Huwebes na naman!

    ReplyDelete
  14. bilib ako sa iyong mga magulang! sana lahat ng nagsasama ay isama nga ang third party!

    ReplyDelete
  15. nakakatuwa ang ganiyang mga pagsasama. :) binabati ko ang iyong mga magulang. ang aking lolo't lola, umabot ng mahigit 65 taon ang pagsasama. kaya dapat talaga, maaga nag-aasawa. hindi rin!!! :)

    hapi huwebes!

    Sumpaan
    Abay

    ReplyDelete
  16. hahaha...yun lng. kmi 0 nalng 40 narin.

    ReplyDelete
  17. Hindi na inabot ng magulang ko yan (hanggang 29 lang sila) dahil sumakabilang buhay na aking ama, kaya naiiyak ako sa lahok mo. Lungkot at saya. Masaya ako para sa mga magulang mo.

    Ang aking LP ay naka post na rin:

    Shutter Happenings, daan ka kung may oras ka.

    Salamat!

    ReplyDelete
  18. sana maabot ko pa yang taon na yan.

    maligayang huwebes Linnor!

    ReplyDelete
  19. ang galing. bihira nlang ang mga may ganyang pagsasama sa panahon ngayon.

    ReplyDelete
  20. si Lord ang third party na hindi ko tututulan, hehehe. congrats to papa and mamarazzi! nawa'y humaba pa ang kanilang napakaganda at napakasayang pagsasama. *muah*

    ReplyDelete
  21. sana maabot namin yan :) Sa ngayon, bihira na ang mga marriages na nagtatagal.

    ReplyDelete
  22. tumpak ka dyan patungkol sa third party! ang aking mga magulang ay 46 taon na ring kasal. :D

    maligayang LP!

    ReplyDelete
  23. nice... sana lumagpas pa tayo dyan... pasensya na at ako'y huli, pero narito na rin po ang aking bahagi para sa linggong ito... happy LP... :)

    ReplyDelete
  24. nakaka inspire naman ito... :)

    ReplyDelete
  25. huwaaaw!!! GO FOR GOLD!!! tunay ngang kahanga hanga at maipagmamalaki ang pagsasama ng dalaang nagmamahalan na lumipaman ang napakatagal na panahon ay, solid pa din! :) napakagandang tularan ng mga anak ang ehemplo ng mga magulang.

    ReplyDelete
  26. wow! congrats sa ma at pa mo. pareho pa kami ng wedding date. sana ganun din kami katagal ng mister ko (at humigit pa). :)

    ReplyDelete
  27. wow.. congratulations.. bihira na ata ang nakakarating sa ganyang sitwasyon ngayon. happy lp! :)

    ReplyDelete
  28. hi linnor congrats sa mga magulang ninyo.....

    ReplyDelete
  29. Hi Linnor, ang galing ng iyonmg mga magulang. Talagang dapat silang tularan. Nakaka-inggit. By the way, ang bata ng itsura ng iyong mga magulang. I can't imagine ganoon na sila katagal kinasal.

    ReplyDelete
  30. Dapat ngang ipagmalaki ang mga samahang tunatagal ng ganyan! Dapat nga talaga silang tularan!

    http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-pag-iisang-dibdib.html

    ReplyDelete