Thursday, June 26, 2008
Pag-Aaral
Hindi sila ang nag-aaral sa paaralan na iyan. Sila ang ama at mga kuya ng bunso sa pamilya na nag-umpisang mag-aral noong July 2007. Lahat kami ay abala noong panahong iyon pero minabuti naming dumalo sa unang araw na ito para ipakita ang aming suporta at "excitement", of course, dahil milestone ito para sa kanya.
Bakit full force ang mag-anak? Nag-aalala ba kami na baka di pa handa si bunso? Baka ma-trauma pag nakakita ng maraming tao? Baka mabasa sa ulan? Baka sumakit ang tiyan sa kaba? Hehehe... di naman kami mga praning masyado. Walang dahilan para kami kabahan. Bakit ika nyo?
Eto si bunso na kasing-excited din namin sa araw na iyon. :D
Tingnan nyo ang iba pang lahok sa Litratong Pinoy >>> dito.
Labels:
Litratong Pinoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow nakakatuwa very supportive ang buong pamilya ^_^.
ReplyDeleteTodo suporta at kitang kita sa mata ni bunso ang saya! mukhang maganda ang alaalang ito sa kanya, happy lp!
ReplyDeleteuy, may football goal - gaano na kaya ito kapopular sa pinas?
ReplyDeletewow! nakakatuwa naman ang inyong support group!
ReplyDeletemagangdang huwebes sa'yo!
kakatuwa naman at full force ang pamilya :) excited talaga sila at siguradong secure naman si bunso :)
ReplyDeletehappy lp!
napaka supportive ng family nyo! pihadong walang mambu-bully kay bunso sa first day of school :)
ReplyDeleteWow. Dala ni Jake ang buong barangay! Magandang Hwebes!
ReplyDeletenapaka-sweet naman nyo para kay bunso :-) nakakatuwa!
ReplyDeleteganyan naman talaga tayo..sama-sama maski saan! sweet nga eh:) maligayang araw ng LP!
ReplyDeletebuti hindi nag-separation anxiety katulad ng ibang bata! saya-saya naman ni bunso. (giggles)
ReplyDeleteang saya saya naman!
ReplyDeleteNung una akong nag-aral nung kinder, katabi ko pa ang nanay ko sa classroom, hahaha. Iyakin kasi.
ReplyDeletekomski kuno's last blog post.. Walang tao, ikaw na lang.
Ang cute!!! Parang sabik na sabik nga ang iyong bunso na pumasok sa paaralan. :)
ReplyDeleteKatuwa naman ang inyong "show of support"! :) Ganyan din kami - palaging "production number" ang dating kapag may milestone ang kahit na sino sa aming mga anak...
ReplyDeletesyempre naman lahat excited!
ReplyDeletehaha.. full force nga... maswerteng bata... sabagay, natural na masyong mag-aalala ang mga magulang.. silipin mo rin ang unang araw ng anak ko sa eskwela.. nitong june 16 2008 lng ito
ReplyDeletewow, ang galing naman ng bonding ninyong pamilya. hanga ako sa suporta nyo sa isa't isa.
ReplyDeletemaligayang paglilitrato! :)
mainam talaga na naipapakita natin sa ating mga anak ang ating buong suporta sa kanila. isa (pa?) lang ang anak namin kaya kaming mag-asawa lang ang katumbas ng full force ninyo. pero kung nasa pinas kami, naku, e baka pati pamilya ng kapatid ko at nanay ko sumama sa first day ng school. hee hee.
ReplyDeleteLP sa Mapped Memories
LP ni Munchkin Mommy
Ayos, lahat kayo nandun pero tama lang yan, bigyan ng suporta ang isa't isa :)
ReplyDeleteDahil siya ang bunso at parang mawawalan ka na ng baby as soon as he starts school? Yon kaya ang rason? :)
ReplyDeletenakakatuwa linnor. sana ganyan rin si amelie pagdating ng panahon. smart na smart si jake e mukhang mag-e-enjoy yan sa school. :)
ReplyDeleteWow, buong pamilya suportado si bunso, nakakainggit! Mukhang nag enjoy talaga si bunso mo!
ReplyDeletenaalala ko unang day ko sa primary school, mag-isa akong pumasok *wawang bata*