Saturday, June 14, 2008
Kalayaan
Nang magpunta ako sa Maynila noong nakaraang linggo para bisitahin ang "renovation" ng aming bagong opisina, minabuti kong isama ang aking mga bugoy. Di pa kasi nagu-umpisa ang klase sa kanilang paaralan. Sayang naman ang tatlong araw na bakasyon kung di mapapagplanuhan ng mabuti. Kaya isa sa mga lugar na aming isinama sa "itinerary" ay ang Kawit Cavite.
Sa Kawit, Cavite nakatayo ang bahay ng bayaning si Hen. Emilio Aguinaldo. At sa larawang aking lahok sa linggong ito sa Litratong Pinoy ay makikita ang balkonahe kung saan unang iwinagayway ang ating bandila sa harap ng ating mga ninuno. Tunay na makasaysayang tagpo kung ating iisipin.
Maligayang araw ng Kasarinlan sa lahat. :D
---
Narito ang kuha ng loob ng bahay...
Ako, kasama ng aking mga anak na si Matt at Kyle. Si Jake (bunso) ay tulog sa sasakyan. Kuha ito ng aking kapatid.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
The pictures taken of the house interiors are wonderful. They look very well-maintained The play of light on the old flooring and furtniture actually gives me goosebumps. Did you take those pictures yourself?
ReplyDeleteHi Dondi, yes I took those shots of the interior. I even thought I took it against the light which gave it the glare. I'm glad they came out okay. :)
ReplyDeleteYou're a great photographer! Maybe you should even consider creating a portfolio.
ReplyDelete1 | tin
ReplyDeleteJune 13, 2008 at 8:38 pm | edit
uy, malapit lang kami dyan! di pa tayo nagkita. :) hihi.
happy weekend, linnor!
Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan
Linnor replied:
Oo nga Tin. Kabitenya ka pala accdg to Junnie. :)
2 | ate sienna
June 14, 2008 at 12:23 am | edit
alam mo, hindi pa ako nakakapunta dito, ever… in love na in love ako sa mga ganyang bahay at muwebles. kaya lang hindi pwede ang capiz na bintana dito sa amin sa maryland at baka sa winter mistula na kaming freezer, hihihihi. at ang mga muwebles, sobrang mahal dito yan…
Linnor replied:
feeling ko nga ang daming puno ang tinumba para magawa ang buong bahay at lahat ng muwebles sa loob nito. sana nga lang na-replace yung mga punong iyon….
3 | Meeya
June 14, 2008 at 1:45 am | edit
wow, naiimagine ko na noong bandang 1898, kung sino-sino sigurong mga bayani ang nagtipon-tipon sa lugar na ito – nagkakape sa sala, nagp-plano ng gobyerno, pinapractice ni julian felipe yung bayang magiliw sa piano… nakakakilabot isipin. :)
Linnor replied:
hahaha…. pang-period movie na tagpo….
4 | lino
June 14, 2008 at 6:04 am | edit
ey , nice shots, especially the first one… alam mo bang lagi kong nadadaanan yan pag pauwi ng cavite at pabalik ng manila, kaso di ko pa siya napapasok. nung last time na binalak namin pasukin yan, eh close sila for general maintenance… :)
Linnor replied:
kami rin, last hour na yata bago nila isara. may abs-cbn crew pa na naghihintay para siguro gumawa ng docu or feature for independence day. buti inabutan pa namin ng bukas nung mga 330pm.
5 | Willa
June 14, 2008 at 10:37 am | edit
ang galing naman,perfectly match the theme. :)
Linnor replied:
thanks! tinaon talaga namin to visit because of LP and the holiday. :D
6 | M
June 14, 2008 at 11:05 am | edit
nice pics! makapunta nga dun :)
Linnor replied:
salamat!
7 | iris
June 14, 2008 at 2:46 pm | edit
ganda ng mga kuha mo linnor :)
at wow naman, parang mga kapatid mo lang ang mga boys mo! :)
Linnor replied:
salamat :) . naku iris, nag-blush tuloy ako. hehehe….
8 | Leap of Faith!
June 14, 2008 at 9:33 pm | edit
Linnor, ang galing naman ng ginawa mo. Naaalala ko pa ng nagpunta kami diyan dati noong ako ay nagaaral pa… di bale may bowling alley pa yan sa loob? Come to think of it, dapat nga atang dalhin ko diyan ang aking mga anak ngayong nakabakasyon kami (pati sa bahay ni Jose Rizal).
PS: ang linaw ng mga litrato niyo ha. ang tingkad ng mga kulay. galing!
Linnor replied:
salamat at nagustuhan mo. :) tamang-tama yung 3-day weekend para bisitahin ang bahay na ito. first time ko din lang mapuntahan ito kahit kalapit-lugar lang namin ang kawit (from las pinas nung maliliit pa kami). :D
9 | Junnie
June 15, 2008 at 5:36 pm | edit
siempre, naging mas makahulugan ang long weekend at nagkita kita tayo…siempre, at nandiyan din naman ako after 3 days, hehehe
Linnor replied:
ang bilis ng araw nga eh. tapos na agad ang maikling bakasyon. tapos ngayon pabalik ka na ng canada. sa uulitin, libot uli tayo kasama na si mitzi. :D
10 | Sexy Mom
June 15, 2008 at 8:28 pm | edit
kami din, pag may time, namamasyal–cultural trip ang tawag namin, para naman madagdagan ng kaalaman ng atin nakaraan.
maligayang independence day!
Linnor replied:
yan ang mga salitang hinahanap ko: cultural trip. gustong-gusto din naman ng mga bata makita ang lumang paraan ng pamumuhay. namamangha sila sa laki ng pinagkaiba. :D
11 | Em Dy
June 16, 2008 at 7:39 am | edit
Nakapunta na rin yata ako dyan nung bata pa ko pero di ko na naaalala ang itsura ng loob ng bahay. Salamat sa pagpapaalala.
Linnor replied:
walang anuman em. :D maganda siya at maayos. magandang puntahan pag may oras. ;)