Thursday, May 8, 2008

Mahal na Ina

Maniniwala ba kayong kami na yata ng aking Ma ang isa sa pinakamadalas magkaroon ng alitan sa pamilya? Well di ko na aalamin kung kami nga o silang dalawa ng aking Paparazzi. Hehehe... Alam ko lang na madalas kaming galit-bati na parang aso't-pusa. Palibhasa, pareho matitigas ang aming ulo at proud ika nga...walang gustong magpatalbog.

Dahil mabait naman akong anak (Ma, wag na pong kokontra, okay?), nais ko syang parangalan ngayong linggo sa Litratong Pinoy at sa darating pang mga panahon bilang pagtanaw ng malaking utang na loob. Kung hindi dahil sa kanyang pagmamahal at pangangalaga, di sana ako lalaking perpekto mabuting tao (base sa aking pagkakaalam :D).

Kamukha ko ba sya? Kayo na ang humusga!


Ma
Si madir, sa aking 1yo na bahay-kubo...


---

Ang kasunod na pic ay di na kalahok sa LP dahil di naman ako ang kumuha nito kundi ang aking hubs. Noong isang taon pa ito kinuha sa company outing na ginawa sa La Luz Batangas. Gusto ko lang i-share. Patunay na ako rin ay isang mahal na ina. Akin ang 3 inakay na nasa tabi ko. Yung mga nasa likod ay di kasali. O di ba? Saan kayo nakakita ng "beach babe mom" na nakasuot ng salamin? Palibhasa malabo ang mga mata. Ehehehe....


La Luz, Batangas
---


Advance Happy Mothers' Day sa lahat!

26 comments:

  1. magkahawig nga kayo kapatid. Basta ang alam ko saludo ako sa mga nanay. mahirap mabuhay ng walang ina. nawa'y patnubayan ng Diyos ang lahat ng mga ina.

    bluep's last blog post..Ang Mahal na Ina

    ReplyDelete
  2. wow~! maching hawig nga! happy nanay's day sa iyo ate

    vera's last blog post..buhok mo'y green

    ReplyDelete
  3. Kay ganda ng mommy mo, kaya maganda ka rin kasi magkamukha kayo! :)

    uy beach babe ka sa photo!! Happy Mother's Day sa iyo at sa iyong mahal na mommy!

    Thess's last blog post..Pink

    ReplyDelete
  4. younger version ung may kasamang mga bata sa baba na pic...
    ang ganda ng kuha kay mommy mo...happing happy sya...:)

    happi mother's day...:)

    emoterang nurse's last blog post..LP #6 BELOVED MOTHER

    ReplyDelete
  5. Maging ang aking ina ay nakasalamin rin kahit nasa pool o dagat. Kamukha mo nga ang iyong ina -- at napakagandang bahay kubo ah?

    Ang aking litrato ay naka-post na rin, daan ka sa aking blog kung ikaw ay may panahon:

    Shutter Happy Jenn

    Maraming salamat!

    Jenn's last blog post..LP - Mahal na Ina

    ReplyDelete
  6. ako din gusto ko nga ganyang bahay kubo, :)

    happy mother's day!

    teys's last blog post..LP#6 - Mahal na Ina

    ReplyDelete
  7. hi linnor! maligayang mother's day sa iyo at sa iyong mamarazzi! :D

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    Weng's last blog post..LP #6: Ina

    ReplyDelete
  8. ganyan din kami ng aking mommy, away bati. but that just shows our love for each other, pag tapos mag away eh mas sweet naman ang reconciliation. dba? happy mothers day to you and your lovely mom ;)

    sardonic nell's last blog post..Litratong Pinoy #: Mahal Na Ina

    ReplyDelete
  9. ang cute naman ng pic ni mamarazzi! :) relaxed na relaxed :)

    natawa naman ako sa beach mom na nakasalamin hehe. pagawa ka kaya ng goggles na may grado ang salamin hehehe.

    happy mom's day sis! and to mamarazzi as well. *muah*

    Meeya's last blog post..LP06: Mga Mahal Na Ina

    ReplyDelete
  10. naku, normal na yata talaga ang mag-inang parang aso't pusa (mommy ko na wino-walk-outan ako eh hehehe)

    magkamukha kayo! happy mother's day! happy LP!

    kaje's last blog post..LP 6 Mahal na Ina

    ReplyDelete
  11. happy mom's day to u and ur mom! great pictures!

    sunshine's last blog post..LP - Mahal Na Ina

    ReplyDelete
  12. Walang duda, kamukhang kamukha mo si madir linnor. :)magkasing-tigas ng ulo ba? hehe
    Happy mother's day. we,moms rocks! ;)

    ReplyDelete
  13. happy mother's day :)

    ReplyDelete
  14. hi linnor! magkahawig nga kayo nang iyong mahal na ina. tulad mo, naisipan ko ring ilahok ang mga larawang kuha ko sa aking ina. maaari mo rin itong bisitahin kung ikaw ay may panahon. :)

    isang maligayang araw nang mga ina sa iyo at sa iyong natatanging ina!

    Dragon Lady's last blog post..L.P. #6: Mahal na Ina

    ReplyDelete
  15. photogenic si tita mamarazi kaya kayo 3 did nila junnie photogenic din! :)

    happy mom's day, linnor!

    tin's last blog post..LP 6: Mahal Na Ina (My Beloved Mom)

    ReplyDelete
  16. Happy Mother's Day to you Linnor!

    ReplyDelete
  17. Happy mother's day Linnor!

    JO's last blog post..Photographic Images of Me

    ReplyDelete
  18. happy mom's day linnor! :)

    star's last blog post..Momma

    ReplyDelete
  19. Magkahawig kayo ni Mommy mo :) Ganda ng mga kuha ah!!!

    Happy Mothers' Day pretty mommy!

    MommyBa's last blog post..Happy Mothers' Day

    ReplyDelete
  20. wow. nice naman

    leah's last blog post..the future awaits

    ReplyDelete
  21. galing ng kuha! very warm. maganda din ang 'bahay kubo' mo ha :)

    happy mom's day sa inyong dalawa linnor :)

    ReplyDelete
  22. Happy Mother's Day Linnor. Magkahawig nga kayo!

    Leah's last blog post..Happy Mother’s Day

    ReplyDelete
  23. Hello sa lahat ng commenters!!! Sorry di ko na nahabol sumagot individually. Mahirap na talaga ang sumisikat... busy masyado. CHARING! Biro lang po.

    Thank you sa mga bumati ng Happy Mothers' Day! I hope you all had a good time with your respective families.

    Thank you din sa nagsasabing magkamukha kami ni Ma sa pics. I just hope "positive" ang kahulugan nun. Hehehe...

    Kita-kita ulit ;).

    Linnor's last blog post..Mahal na Ina

    ReplyDelete
  24. 9 | ettey
    May 8, 2008 at 9:40 am | edit

    awww si Mami looking fabby in her posh outfit ;) happy huwebes po!

    ettey’s last blog post..[LP: Mahal na Ina]

    Linnor replied:
    Ganyan si madir. Isputing talaga kahit sa grocery lang ang punta.



    10 | cathy
    May 8, 2008 at 9:44 am | edit

    Happy Mother’s Day rin, Linnor! =) At agree ako, magkamukha kayo ni Mamsi mo.

    cathy’s last blog post..Pasasalamat

    Linnor replied:
    Kaso mas maganda daw ang mommy eh… Huhuhu. :D Biro lang.



    11 | Dyes
    May 8, 2008 at 11:08 am | edit

    hmmm… medyo hawig nga kayo! ang ganda ng kuha mo sa iyong ina! at happy mother’s day din sa yo :)

    Dyes’s last blog post..LP # 6 – Mahal Na Ina

    Linnor replied:
    Pinilit pa nya ako na kuhanan ko sya. Hehehe.



    12 | Mimi
    May 8, 2008 at 11:14 am | edit

    hi cuz. wala atang tatalo sa amin ni mama. halos limang beses sa isang araw kami nagka-cat fight. and i feel so guilty cos she has done a lot of sacrifice for my kids :) .

    happy mother’s day to you, tita zita and may.

    Linnor replied:
    Hi Cuz! Bakit kaya di ako guilty? Hahaha. Bad no? ;) Happy Mothers’ Day to you, Aunt Didi, Marichu and Stella (sinama na… pressure pressure ba?)



    13 | Cookie
    May 8, 2008 at 11:41 am | edit

    Magkawangis nga ba? Hmm..slight :)

    Happy Mother’s Day..in advance :)

    Cookie’s last blog post..Litratong Pinoy : Mahal Na Ina

    Linnor replied:
    Salamat Cookie! Ganun din sayo Happy Mothers’ Day!



    14 | jennyL
    May 8, 2008 at 1:42 pm | edit

    correct parang pinagbiyak na bunga kayo syempre galign ka sa kanya eh.. happy mother’s day
    http://jennys-corner.com/2008/05/litratong-pinoy-6-mahal-na-ina.html

    jennyL’s last blog post..Litratong Pinoy: #6 Mahal na Ina

    Linnor replied:
    Oo nga naman… Pero mas tisay ako ng konti, di ba? Ang kulit ko…:D



    15 | julie
    May 8, 2008 at 1:44 pm | edit

    Magkahukha nga kayo. Kakatawa naman yung nakasalamin sa dagat, ganyan din yata ako, hihihi!

    Maoigayang araw ng Huwebes at maligayang Araw ng mga Ina, Linnor.

    Linnor replied:
    Allergic na kasi ako sa contact lenses…. Sana magkaroon ng extrang pera para makapagpa-laser. Hehehe. Pero wag na, kakatakot pa rin pala yun.



    16 | Clicking Away
    May 8, 2008 at 2:03 pm | edit

    Linnor, kapag mas madalas ang alitan eh ibig sabihin ay mas concerned kayo sa isa’t-isa. Magkamukha nga kayo ng nanay mo… mas mahaba lang ang buhok mo… and speaking of buhok, sobrang ayos na ayos ka pa rin kahit na nasa beach ka ha. Parang hindi pwedeng galawin o mabasa ang buhok mo.

    Maligayang araw ng mga ina sa iyo at sa iyong nanay.

    Clicking Away’s last blog post..LP006 – Mahal na Ina

    Linnor replied:
    Ay natawa naman ako. Actually, di yata ako masyadong nabasa nyan. Hawak ko lang talaga si bunso sa kanyang floater. Puro porma lang ang alam ko kasi di ako marunong lumangoy eh. Nyehehe….

    ReplyDelete
  25. 1 | Jeanny
    May 8, 2008 at 12:13 am | edit

    hi Linnor. hmmm kamukha ba????oo hawig kayo pero syempre mas maganda si mommy :)

    Happy LP :)

    Jeanny’s last blog post..LP#6 Mahal na Ina

    Linnor replied:
    ARAYKUPU! Hahaha!



    2 | Em Dy
    May 8, 2008 at 12:15 am | edit

    Kamukha nga!

    Happy Mother’s Day kay Madir at sa yo din, Linnor!

    Em Dy’s last blog post..Nagmamatyag

    Linnor replied:
    Hi Em Dy, wag muna sana magkamukha sa size. Pero malapit na!:D



    3 | Jeprocks
    May 8, 2008 at 12:18 am | edit

    Ang sosy naman ng bahay kubo mo :D mabuhay ang ina mo!!!

    Linnor replied:
    Yang part lang na yan ang medyo ayos. Wehehehe….



    4 | mousey
    May 8, 2008 at 3:32 am | edit

    happy mother’s day kay madir mo at sa iyo beach babe mom linnor!

    mousey’s last blog post..By: Linnor

    Linnor replied:
    Sarap naman matawag na babe. Hehehe… pakiwari ko Babe na movie. :D



    5 | shery
    May 8, 2008 at 4:42 am | edit

    hawig.. hehehe.. happy mother’s day to your mom,sis and you ofcourse!

    kami rin ni mama aso’t pusa…the relationship between mothers and daughters are really like that talaga…bkt nga ba ganon? hahaha

    Linnor replied:
    Kontra-pelo din ba? Akala ko kami lang. :D



    6 | ces
    May 8, 2008 at 5:15 am | edit

    oo nga hawig …ang mga mata ninyo..hahaha! naku, normal lang iyan galit bati na iyan…ganyan din ata ako noong nasa pinas pa kme…pero ngayon na bihira na kme magkita sinusubukan ko nalang makinig ng makinig! hahaha!minsan na nga lang magkita mag-aaway pa db? ay i-a-add pla kita sa FB, nakita kita e:)

    ces’s last blog post..Litratong Pinoy #6: Mahal na Ina [Happy Mother’sDay!]

    Linnor replied:
    You mean magkamukha yung salamin? Joke lang. I added you sa FB din :)



    7 | Pinky
    May 8, 2008 at 6:42 am | edit

    Hi Linnor! Magkahawig nga kayo ni madir!

    At sang-ayon ako sa iyo – isa ka ngang “beach babe”! Sinong magsasabing may mga binatilyo ka na sa seksi mong yan, di ba? Hehehe ;)

    Isang mainit na pagbati ng “Happy Mother’s Day” mula sa naglalagablab na disyerto ng KSA! :lol:

    Pinky’s last blog post..LP #6: Mahal na Ina

    Linnor replied:
    Hi Pinky! Like mother like daughter… About the beach pic, last year pa yan kaya medyo bata-bata and may kapayatan pa. Ngayon ibang kwento na. Pero salamat sa compliment ;) … Regards all the way from Cebu!



    8 | lidie
    May 8, 2008 at 8:13 am | edit

    hindi talaga maiwasang magka-alitan ang mag-ina! ngunit dahil lamang ito sa pagmamahalan sa isa’t isa!

    magandang huwebes sa’yo!

    lidie’s last blog post..LP #6 :: Mahal na Ina

    Linnor replied:
    Tama! Magandang Huwebes din! ;)

    ReplyDelete
  26. 40 | fotorista
    May 12, 2008 at 9:49 pm | edit

    imbes larawan ng aking inang pinakamamahal ang aking ibabahagi, eto pa ang isang tao na importante sa akin.
    http://gimikerangpotograper.blogspirit.com/archive/2008/05/12/to-my-bestfriend-and-her-angel.html

    Linnor replied:
    Ang sweet naman…. Maswerte kayong dalawa ni BFF for having each other!

    ReplyDelete