Thursday, May 1, 2008
Malungkot
mga kandilang nakasindi sa puntod ng aming lola...
---
Ano ba ang pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ng kahit sino? Para sa akin, wala nang lulungkot pa sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Kamakailan (Jan. 20, 2008) ay namayapa na ang aming lola (sa aking ina) sa edad na 94. Kahit alam namin na nasa mas mabuti na syang kalagayan, hindi pa rin maiaalis ang lungkot na nararamdaman ng aming pamilya dulot ng kanyang pagpanaw. Tanging alaala na lamang ng masasayang araw sa piling nya ang naiwan...
Ito ang aking lahok sa Litratong Pinoy sa tema para sa linggong ito...
Eto pa ang isang lahok na di naman kasing bigat kagaya ng nasa itaas... Pansinin na habang nakangiti ang 2 kong anak na lalaki sa gitna at kaliwa ay malungkot naman ang bunso. Dahil maraming manlalaro, hindi sya nakasali sa "badminton" nung araw na iyon. Bakas sa mukha nya na di sya nasiyahan gaya ng kanyang mga kuya.
"Di bale Jake, sa susunod, makakalaro ka na ulit."
Labels:
Litratong Pinoy,
Musings
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 | PinayInTheUS
ReplyDeleteMay 1, 2008 at 4:25 am | edit
good shot :)
PinayInTheUS’s last blog post..Wordless Wednesday
Linnor replied:
Salamat PinayInTheUS!
2 | Pinky
May 1, 2008 at 5:20 am | edit
Tama ka, Linnor, wala na atang lulungkot pa sa pagpanaw ng isang mahal sa buhay. Kahit huli na, condolence sa iyo, kaibigan.
Pinky’s last blog post..LP #5: Malungkot
Linnor replied:
Salamat din sa “condolence” Pinky
3 | lino
May 1, 2008 at 6:42 am | edit
magandang araw ng huwebes…
lino’s last blog post..malungkot (lonely)…
Linnor replied:
Magandang araw din sayo Lino
4 | rose
May 1, 2008 at 6:57 am | edit
huwaaa.. mga kalungkutan nga ang nakkikita ko..kandila.. simbulo ng kalungkutan at kaligayahan na din.. (pag birhtday me candle hehe)
hay,. nakakalungkot talaga ang umaalis.. lalot pa alam mong hinde na babalik.. kahit alam naman nating dn talaga ang tungo nating lahat.. una una nga lang..
nasa magandang kinalalagyan na sya ngayon.. sa piling ng lumikha..
have a nice day
rose’s last blog post..sad
Linnor replied:
Hi Rose. Yun thought na di na babalik ang mahal sa buhay, yun ang nagpapalungkot…
5 | julie
May 1, 2008 at 7:27 am | edit
Malungkot talaga ang mawalan ng mahal sa buhay ngunit ito ay parte ng ating pagkakalikha sa atin ng Diyos. Kaya nga dapat, habang nabubuhay tayo, gawin nating maayos ang ating pamumuhay dahil hindi natin hawak ang ating kapalaran.
Maligayang Araw ng Paggawa, Linnor.
Linnor replied:
Hi Julie! Tama ka… Maligayang Labor Day din sayo.
6 | Lizeth
May 1, 2008 at 7:42 am | edit
talagang pinamalungkot na maaaring mangyari sa ating buhay..pero lola’s in a better place now.
malaigayang huwebes!
Lizeth’s last blog post..Litratong Pinoy #4: Hugis ay Pahaba
Linnor replied:
Hi Lizeth! Maligayang Huwebes din sayo.
7 | lidie
May 1, 2008 at 8:49 am | edit
sana’y ayos ka lang ngayon… sigurado akong maligaya ang iyong lola…
magandang huwebes sa’yo…
lidie’s last blog post..LP #5 :: Malungkot
Linnor replied:
Hi Lidie… Ok naman ako. Salamat!
8 | ettey
May 1, 2008 at 9:09 am | edit
malungkot talaga!
Linnor replied:
Hi Ettey! Oo totoo nga…
9 | Buge
May 1, 2008 at 9:41 am | edit
Kahit medyo huli na ay nakikiramay ako sa pagpanaw ng iyong lola!
Maligayang Huwebes!
Buge’s last blog post..Litratong Pinoy: Malungkot
Linnor replied:
Salamat Buge…
10 | Jeanny
ReplyDeleteMay 1, 2008 at 9:46 am | edit
ang ganda ng pagkuha mo Linnor.
maganda LP sa iyo ;)
Jeanny’s last blog post..LP#5 Malungkot
Linnor replied:
Salamat at nagustuhan mo Jeanny…
11 | jennyL
May 1, 2008 at 10:19 am | edit
tama ka malungkot ang ganito, nawalam na ako ng ama kaya masakit at masaklap hehe.
eto akin: http://jennys-corner.com/2008/04/litratong-pinoy-5-malungkot-sad.html
jennyL’s last blog post..: Litratong Pinoy: #5 Malungkot (SAD)
Linnor replied:
Di ko maimagine ang sakit pag nawalan ng ama…. Wish ko sana healthy lagi ang mga mahal natin sa buhay.
12 | vanidosa
May 1, 2008 at 10:20 am | edit
Nice shot! May bahid nga ng kalungkutang alalahanin ang mga mahal na namayapa.
vanidosa’s last blog post..My 3rd – Litratong Pinoy
Linnor replied:
Hi Vanidosa! Magagandang alaala na lang ang dapat isipin para mabawasan ang lungkot.
13 | Iris
May 1, 2008 at 10:21 am | edit
maganda ang iyong kuha, linnor. nakakalungkot lang ang subject, as expected :) .
magandang araw sayo!
Linnor replied:
Salamat Iris
14 | komski kuno
May 1, 2008 at 11:00 am | edit
Halos lahat naman ata may ganyang karanasan din nung bata. Ako rin. Iyakin pa naman ako nuon, hehehe.
komski kuno’s last blog post..Bakit naman parang nilamutak ang mukha mo?
Linnor replied:
Hehehe… Iyakin ka pala? Natural naman yata yun. :D
15 | G_mirage
May 1, 2008 at 12:39 pm | edit
Ganun nga yata pag bunso, laging iwan…bunso ako eh! SAka nalulungkot si bunso dahil naiwan sha sa pleanstville…(juk lang!) Maligyang LP!
G_mirage’s last blog post..LP # 5 Malungkot
Linnor replied
Hi G_mirage. Hehehe…
16 | teys
May 1, 2008 at 12:40 pm | edit
nalulungkot din ako pag nakakakita ng ganitong larawan… naaalala ko ang aking tatay :(
magandang araw sa iyo!
teys’s last blog post..LP#5 – Malungkot
Linnor replied:
Magandang araw din sayo Teys!
17 | Girlie
May 1, 2008 at 12:50 pm | edit
bigla naman ako naawa nung makita ko si bunso, damang dama ko ang kalungkutan nya, dahil ganun din ako dati pag matagal matawag ang pangalan ko sa susunod na manlalaro
Girlie’s last blog post..Litratong Pinoy #5 : Malungkot (sad)
Linnor replied:
Hi Girlie. Parang “big deal” sa bata no? :)
18 | sardonic nell
May 1, 2008 at 3:20 pm | edit
losing a love one is truly heartbreaking. but we have to go on living, dba? surely, your dearest lola is smiling down at you from heaven ;)
sardonic nell’s last blog post..Litratong Pinoy #5: Malungkot
Linnor replied:
Hi Sardonic Nell. That’s our happy thought. :)
19 | iska
ReplyDeleteMay 1, 2008 at 3:32 pm | edit
ayos na ayos ang pagkakahalera ng mga kandila…
iska’s last blog post..Ang Malungkot na LP5
Linnor replied:
Hi Iska. Nakabaon ang mga kandila sa gilid ng puntod kaya derecho. :D
20 | nona
May 1, 2008 at 4:22 pm | edit
aww, kakaiyak ang lahok mo. Ikinalulungkot ko ang pagpanaw ng iyong lola linnor.
Cute pa rin tingnan kahit malungkot…Cheer up Jake! :)
Linnor replied:
Hi Nona. Nakabawi din si Jake after a few days.
21 | Thess
May 1, 2008 at 4:44 pm | edit
Linnor, huli na pero ipinapaabot ko condolence sa iyo at buong pamilya. “tahimik na sila” madaling sabihin pero hindi pa rin maiaalis na hanap-hanapin natin sila sa tuwina, nakakalungkot ano?
ay si bunso..nalungkot naman ako!! sana naman lagi na syang nakakapaglaro ngayon.
guapito ang iyong mga anak :)
Linnor replied:
Salamat Thesserie! Natuwa din ako sa huling sentence mo. Hehehe.
22 | Clicking Away
May 1, 2008 at 5:50 pm | edit
Linnor, tama ka nga kahit gano katanda pa ang iyong mahal sa buhay eh hindi pa rin magbabago ang kalungkutang nararamdam mo dahil sa kanilang pagpanaw.
By the way, bakit ang daming kandila… ngayon lang ako nakakita ng ganyan.
Mas gusto ko yung panagalawa mong litrato dahil ito’y malungkot na medyo nakakatuwa… ang cute ng bunso mong anak… mkuhang sobrang sama ng loob niya … hehehe.
Clicking Away’s last blog post..LP005 – Malungkot
Linnor replied:
Hi Clicking Away! Kuha yan nung libing. Kaya halos lahat ng apo ay nagsindi ng kandila. Ang dami namin no? :)
23 | christine
May 1, 2008 at 6:13 pm | edit
malungkot talaga ang dinaanan nyo nitong nakaraan. :( at si jake, naawa naman ako. :(
My LP Entry
christine’s last blog post..LP 5: Malungkot (Sad)
Linnor replied:
Hi Tin! Parang ang laki ng problema ni Jake no? :)
24 | zamejias
May 1, 2008 at 8:41 pm | edit
Kawawa naman si Jake…oo nga, sana naman makakalaro cya sa susunod… Gandang Huwebes!
zamejias’s last blog post..LP: Malungkot
Linnor replied:
Nakalaro din si Jake nung sumunod na punta namin
25 | Justice
May 1, 2008 at 11:18 pm | edit
linnor, naiintindihan ko si jake! my kids are the same kaya nga di ko malaman san kukunin ang second strength para lang malarong pareho yung 2 kong maliit hehe
Justice’s last blog post..On a Pause
Linnor replied:
Korek! Pinapa-substitute ko na nga lang (kapalit ko) ang mga kuya sa pakikipaglaro sa bunso. Hehehe….
26 | yvelle
May 1, 2008 at 11:41 pm | edit
ang cute ng bata! hehehe
have a great day!
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html
yvelle’s last blog post..LP # 5 Malungkot
Linnor replied:
Hehehe… kasi cute din ang “farents”…. Joke lang…:)
27 | Meeya
May 2, 2008 at 2:26 am | edit
hi linnor, comment ko na lang about jake’s pic (since i think nasabi na nila lahat and i second everyone’s opinion about losing a loved one). anyway, nakakaawa naman si jake, kitang-kita na defeated siya. a total contrast to his kuyas na all-smiles. bigyan ko siya ng hug, pwede?
MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot
Linnor replied:
Puedeng puede Meeya sis! :) Sikip kasi sa courts kaya di sya nakalaro kahit sa tabi-tabi. Laging sinisita. Hehehe.
28 | fortuitous faery
ReplyDeleteMay 2, 2008 at 2:33 am | edit
ay…parang nakatulog na yung bunso mo sa sobrang paghihintay! hehe.
ang ganda ng pagkahelera ng mga kandila sa puntod.
Linnor replied:
Oo nga fortuitous faery parang tulog sa pic yung bunso…
29 | Junnie
May 2, 2008 at 6:42 am | edit
hindi kaya pagod lang si Jake at di malungkot…tsaka tunay na mahusay siyang mag inarte…arte nga lang ba ang kanyang kalungkutan?
Junnie’s last blog post..Flowers of May – or the lack of it
Linnor replied:
Pagod siguro sya… Yung lungkot sa face nya, malamang dala na rin ng page-”emote”. Hahaha…. Kids talaga! Mana sayo ang pamangkin mo.
30 | Eds
May 2, 2008 at 8:40 am | edit
Napaka ganda ng iyong mga lahok kaibigan… isa ito sa mga lahok na nagustuhan ko.
Magandang Umaga!
Eds’s last blog post..♥ Blog Advertising ♥
Linnor replied:
Salamat Eds! Na-flatter naman ako na isa ito sa nagustuhan mo. :)
31 | weng
May 2, 2008 at 1:59 pm | edit
ay, kawawa naman si jake! ang ganda nung effect na black and white si jake at colored lahat. hindi yan kaya ng powers ko. hahaha! :D
weng’s last blog post..LP #5: Malungkot (Sad)
Linnor replied:
Hehehe…. Pinagtiyagaan ko lang i-edit yan. :D
32 | Grey
May 2, 2008 at 5:58 pm | edit
di bale, ang bawat lungkot ay may kapalit na kaligayahan. ang ganda ng kuha mo sa mga kandila. parang pati sila nakikiramay sa lungkot mo.
Linnor replied:
Totoo yan Grey! Salamat sa compliment :)
33 | mousey
May 2, 2008 at 7:43 pm | edit
akmang akma ang mga larawan sa tema.
at mas lalong pinaganda pa ng mga effect.
Linnor replied:
Hi Mousey! Nakaka-inspire kasi magbigay ng magandang photo sa Litratong Pinoy eh… Napipilitan akong gandahan ang effects para hindi naman nakakahiya. Thanks sa compliment.:)
34 | MommyBa
May 2, 2008 at 10:01 pm | edit
Magaling ang pagkakakuha mo ng mga litrato. sigurado akong masaya na ang lola mo kung nasan man sya naroroon :)
MommyBa’s last blog post..Litratong Pinoy: Malungkot
Linnor replied:
Thank you Mommyba! Masaya na si Lola kung saan man sya naroroon. :)
35 | adinille
May 3, 2008 at 9:01 am | edit
awwwww…. kumusta na si Jake? sana di na sya malungkot.
Linnor replied:
Gaya ng karamihan sa kabataan… ilang minuto lang, nakalimutan na nya kung bakit sya malungkot. Ayun parang walang nangyari at masayang naibaling ang pansin nya sa ibang bagay.
36 | Kaje
May 4, 2008 at 2:31 pm | edit
wawa naman si jake, nao-op. di bale cute naman siya :)
ang ganda ng una mong kuha :)
Kaje’s last blog post..LP5 – Malungkot
Linnor replied:
Ang layo kasi ng edad ni Jake sa mga kuya nya kaya minsan nao-op talaga. :) Thanks Kaje!