Thursday, May 15, 2008

Umaapoy

Askewed Glass
Nakatabingi ang baso ng Bailey's sa tabi ng kandilang umaapoy
---


Literal na naman ang aking lahok para sa linggong ito sa Litratong Pinoy sa temang "Umaapoy".

Ayon sa aking Flickr archive, ang litratong ito ay kuha ko pa noong Feb 17, 2007 habang nagde-date kami ng ex-bf kong si Jerry sa Treff Bar sa Waterfront Hotel Lahug.

Eto pa ang aking 2 lahok na kuha ng 2 malalaking sunog na nangyari sa Cebu. Wala akong nakitang apoy dahil malayo ako sa pinangyarihan. Pero sa aking pagmamaneho, nakita ko ang malalaking "column" ng usok na ito.

Iba na ang may point-and-shoot na digicam palagi ano? Puedeng maging on-site reporter. Hehehe.


Fire in Mabolo as seen from Escario St.
Sunog noong Nob. 21, 2005
---



Mandaue fire as seen from my rear view mirror
Sunog noong March 7, 2007
---


PS: Sa dalawang sunog na ito, maraming mga pamilya ang nawalan ng bahay... Ating ipanalangin na sana maiwasan na ang ganitong mga insidente.

31 comments:

  1. salamat sa dalaw linnor:) ang linaw ng kuha mo sa sasakyan! mganda rin ang kandila maski na madilim ang paligid nakuhanan mo ng maayos ito..

    ces's last blog post..Litratong Pinoy #7: ang mga umaapoy sa aking paligid

    ReplyDelete
  2. talagang manakawan na, wag lang masunugan! tsk!
    magandang huwebes sa'yo!

    lidie's last blog post..LP #7 :: Umaapoy

    ReplyDelete
  3. maraming salamt sa bisita sa aking blog...

    sunog - sabi nga mas mainam na daw yung manakawan kaysa masunugan... kaya ingat lagi dapat.

    ReplyDelete
  4. in fairness kahit na nakaw shot lang yung usok may art parin! ganda nung nasa side mirror effect. hehe gagayahin ko nga yan. lol

    vera's last blog post..LP: Umaapoy

    ReplyDelete
  5. Ayos ang date niyo ni Mamang Jerry, me candlelight pa, sweet!

    Ganyan din ang feeling ko, parang reporter.

    Magandang Huwebes sa iyo Linnor.

    ReplyDelete
  6. Hindi nga kita ang apoy ngunit ika nga nila ay "When there's smoke, there's fire." Gusto ko ang unang larawan... gusto ko din yung katabi ng kandila, paborito ko yan! Hahaha!

    Magandang Huwebes!

    Buge's last blog post..Litratong Pinoy: Malungkot

    ReplyDelete
  7. ang ganda naman...

    ang lp ko ay naka post na rin:
    http://shutterhappenings.blogspot.com/2008/05/lp-umaapoy.html

    daan ka kung may oras ka.

    Jenn's last blog post..LP - Umaapoy

    ReplyDelete
  8. lagi kang nakaka tyempo ng sunog ha. ingat lagi! happy huwebes!

    ReplyDelete
  9. naku, yang sunog ang talagang kinakatakutan ko

    see u next LP

    Cookie's last blog post..Litratong Pinoy : Umaapoy

    ReplyDelete
  10. tama! di bale nang manakawan (nanakawan na kami eh!) kesa masunugan..mas mahirap bumangon kapag ganun..sana okay na silang mga nawalan ng bahay...

    kaje's last blog post..LP7 - Umaapoy

    ReplyDelete
  11. Linnor, ang romantic naman ng date na iyan. Ang ganda ng effect ng kandila... very cozy.

    Wow, reporter na reporter nga ang dating mo. Good idea yung magdala lagi ng kamera ha... yung dalawang huling litrato mo ang mga ayoko mangyari kahit kanino... ay, hitap masunugan ng tirahan.

    Clicking Away's last blog post..LP007 - Umaapoy

    ReplyDelete
  12. natuwa naman ako sa madetalyeng storya sa likod ng una mong larawan haha! happy huwebes po!

    ettey's last blog post..[LP: Umaapoy]

    ReplyDelete
  13. Hi Linnor, pwedeng pwede ka talagang on-site reporter! Taglay mo katangian na laging may bitbit na camera.

    nanlumo ako ng konti dahil sa sunog na yan...nasunugan din kasi kami ng bahay, walang natira kundi ilang pirasong litrato.

    Thess's last blog post..Lovely Spring…and it’s just the beginning!

    ReplyDelete
  14. Na-miss ko tuloy ang Bailey's! Bawal kasi alak dito e.. :( Mukhang ang romantiko naman ng date ninyo ni Papa Jerry ha!

    As for the sunog pics, katakot talaga masunugan...buti pa nga daw manakawan kahit several times over (that is, if you had to choose the lesser of two evils).

    Happy Huwebes sa iyo!

    Pinky's last blog post..LP #7: Umaapoy

    ReplyDelete
  15. grabe, ang linaw ng camera mo! kahit sunog na, maganda pa rin ang kuha lalo na yung huli!

    happy hottie hwebes!

    Dyes's last blog post..LP # 7: Umaaapoy

    ReplyDelete
  16. kabighabighani ang mga litratong may kuha ng kandila, tulad ng iyo.Naalala ko lang, may ganyan din akong kinunan noon, ng una akong tumikin ng alak..hehe.. kahit umiikot na ang paligid, shoot lang ng shoot!

    pero kagandahan nga ang may handang camera ngayon, kahit yung sa cellphone, lalo na minsan, may nakunan kaming pulis na hindi tama ang ginagawa.. kahit hindi namin nakuha ang hitsura, pinadala ng tatay ko sa kinauukulan para maging aware sila sa mga ganoong gawin.. ewan ko nga lang kung may nangyari..

    Happy Huwebes!

    cathy's last blog post..Damdamin

    ReplyDelete
  17. this is good too . . . I love candle shots and I love candles altogether!

    chrys's last blog post..LP #& Umaapoy

    ReplyDelete
  18. the atmosphere of the photo is like that of a wine cellar, at dead of night, when nobody is aware that you're about to drink the whole bottle of the most aged red wine! or baileys. lol

    Soy's last blog post..I kind of hate the skin I'm in, or something like that

    ReplyDelete
  19. that's my kind of friday, candle light with wine or cocktails. chillax to the max!

    sardonic nell's last blog post..Litratong Pinoy #7: Umaapoy

    ReplyDelete
  20. naalala ko when you first posted those pics (nung sunog), nakakatakot. anyway, hindi mo nga naman kailangan makita pa ang sunog kasi where there's smoke there's fire, hehe.

    buti wala kang ending na: nag-uulat mula sa cebu, linnor, ang inyong reporter ng bayan, hehe. (yikes, korni, haha!)

    Meeya's last blog post..LP07: Umaapoy

    ReplyDelete
  21. gustong-gusto ko ang night shot. Ang ganda ng kuha mo. Salamat sa dalaw :)

    ReplyDelete
  22. uyy..salamat sa dalaw mo..yaan mo at mararating mo rin ang boracay lalo na at ilang oras lang yan mula sa inyo jan sa cebu. eto eh kung gugustuhin nyo talagang puntahan kasama ang iyong mga boys..
    ang ganda ng kuha mo. bigla akong napaisip na exbf na si jerry..oo nga pala, asawa na kasi..heheheh.
    at timing ka sa sunog..ingat ka! ganda rin ng kuha mo, daig mo pa ang reporter!
    happy thursday!:)

    dang's last blog post..8 Things I am grateful for- a tag from Tin

    ReplyDelete
  23. Makaibang magkaiba ang pakahulugan ng 2 litrato....ang una ay kalmado at iyong may sunog naman ay kabaliktaran---Tulad ng mga gamugamo, maganda ang apoy sa paningin pero kapag ito ay nilapitan nakakapaso at nakakamatay...kawawa naman ang mga biktima...Maligayang LP!

    G_mirage's last blog post..LP #7 Umaapoy

    ReplyDelete
  24. magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...

    lino's last blog post..umaapoy…(on fire)

    ReplyDelete
  25. pedeng pede ka na nga maging reporter! hehehe.. naku linnor sadyang nakakatakot at nakakalungkot ang epekto ng sunog :( sabi nila mabuti na daw manakawan kaysa masunugan.

    ReplyDelete
  26. sa sobrang 'hot' nung kandila, hindi talaga maiwasan ni bailey's na malapit sa kanya. hehehe. nice one, linnor :)

    ReplyDelete
  27. muntik na tayong pareho sa candle entry. binago ko last minute kaya naging new year's celebration ang aking post. hi hi.

    happy weekend!

    tin's last blog post..My Day

    ReplyDelete
  28. hirap masunog talga....at nakakatakot pa.

    happy LP linnor sorry late na ko mag comment. :)

    jeanny's last blog post..LP#7 Umaapoy

    ReplyDelete

  29. Yay! Ang dami na namang comments! Nakakatuwa naman at maraming napadalaw sa blog ko. Salamat sa mga papuri. Hanggang sa susunod na Huwebes ulit.


    Linnor's last blog post..Tutorial?

    ReplyDelete
  30. 31 | iska
    May 18, 2008 at 12:36 pm | edit

    gusto ko ang pagkakakuha mo ng usok mula sa yong side mirror ;-)

    iska’s last blog post..Pork Binagoongan (Sautéed Pork in Shrimp Paste)

    Linnor replied:
    Hi Iska. Galing ng timing kasi nasa traffice ako noon. :)



    32 | Em Dy
    May 19, 2008 at 2:11 am | edit

    Nakatuwa yung unang kuha mo. May reflection pa. Nakakalungkot naman yung huling dalawa. Sabi nga nila, di bale nang manakawan, wag lang masunugan.

    Em Dy’s last blog post..Don’t Leave Home Without It

    Linnor replied:
    Hi Em… masaya and malungkot na post tungkol sa apoy…Parang life no? :)

    ReplyDelete
  31. 30 | Weng
    May 18, 2008 at 4:31 am | edit

    nakakatuwa naman at nakakapagdate kayo ni jerry. :) hindi namin magawa yan dito. well, puwede kung breakfast kami magdedate para nasa school si abby.

    pagnaburn out ka sa IT, linnor, alam mo na ang susunod mong career. :D let us know pagmagdedebut ka na sa tv news ha. :)

    enjoy the rest of the weekend!

    Weng’s last blog post..PH #11: Candy

    Linnor replied:
    Hi Weng! Next career ko – news reporting? Baka di ako tanggapin kasi may stage fright ako. :) Puede na sa akin ang photographer. Hehehe….

    ReplyDelete