Thursday, August 14, 2008
Liwaliw
View from Greenbelt 5 (GB5)
"Mall" agad ang pumasok sa isip ko sa temang liwaliw. Tamang-tama. Ang litratong aking lahok ay kuha ko habang ako ay nasa loob ng Greenbelt 5, sa parteng malapit sa bagong mamahaling boutique na Adora. :D
Nasa Manila kasi ako noong 080808 para sa opening/blessing ng aming opisina. Kaya noong sumunod na araw ng Sabado, inilibot ako at ang aking hubby ng aking mga magulang at mga kapatid sa bagong GB5.
Maganda... Kumain pa nga kami sa Travel Cafe kung saan unang natikman ng aking Ma, Pa at sis ang coffee alamid, ang isa sa pinakamahal na kape sa buong mundo. Sa Pilipinas lang yata ito nakikita. Sa umpisa nag-atubili akong subukan pero nang matikman na, masarap pala.
Kakaiba ang naging pagsubok ni Ma. Sa una, sarap na sarap siyang lagukin ang coffee alamid. Parang capuccino daw ang lasa. Pero di maipinta ang mukha ni mader nang malaman nyang galing pala ito sa dumi ng alamid. Nai-imagine kasi nya na pusa ang alamid kahit ito ay mas mukhang "mongoose". Hahaha.... Makikita dito >>> http://news.bbc.co.uk/2/hi/asia-pacific/4896230.stm ang karagdagang kaalaman tungkol sa pinagmulan ng sikat na coffee alamid.
Eto naman ang litrato naming mag-anak na kuha ni hubby habang nasa Travel Cafe.... bukod sa napakalaking halo-halo na di namin naubos, Coffee alamid ang hawak ni Pa sa kuha na ito.
Saan kaya nagliwaliw ang ibang sumali sa Litratong Pinoy? Puntahan natin...
Labels:
Extended Family,
Family,
Food,
Litratong Pinoy,
Sights,
Take 5
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Hindi pa ako nakapunta ng GB5, but your entry is enticing so I hope I can have time to go there.
ReplyDeleteHappy LP!
Ang gaganda (at gwapo) naman ng nasa litrato! Masarap magliwaliw sa mall lalo na kung maraming pera....=D
ReplyDeleteAng ganda din ng litrato ng gbs sa taas...kakaibang kakaiba na nga! Happy LP!
oo nga...paboritong lugar ng mga pinoy upang magliwaliw ang mga mall! at kahit saang lungsod dyan...tyak na may mall!
ReplyDeleteang gaganda talaga ng mga mall dyan sa atin ano?
ReplyDeletemagandang araw sa iyo!
bakit kaya di ko naisipang kunan ang lugar na ito mula sa taas? ang ganda pala pag ganon, sayang. di bale babalik na lang ako. =) ang ganda sa greenbelt, ano?
ReplyDeleteAng litrato ko ngayong linggo ay kuha noong nakaraang LP eb. Daan ka DITO kung gusto mo masilip. Maraming salamat. Hapi Huwebes!
Ang mall, bow. Ang dami ngang mall dito sa Pilipinas. Hindi pa ako nakaka-inom ng alamid coffee, sana kayanin ko :D
ReplyDeleteOO ang dami talagang mall sa Pilipinas tapos ang daming tao parang lahat may pera...Bisita karin sa bahay ko salamat..
ReplyDeleteSorry nga pala mali pala ang link hindi ko kasi tiningnan sa isang site ko napunta ..dito ang litratong pinoy ko salamat..
ReplyDeletei've heard about that kapeng alamid, i guess wag nalang isipin kong saan dumaan ang coffee beans na yan. heheheh ;)
ReplyDeletenapanood ko yan Adora sa show ni K. Sanchez at sosyal talaga ang lugar! Nakakatuwa yang alamid coffee ha! parang di ko kayang tikman :p
ReplyDeletegreenbelt. :) namiss ko tuloy mga mall dyan sa Pinas.. hehehe.. ^_^
ReplyDeletecoffee alamid. ngayon ko lang narinig yan ah.. di ako mahilig sa kape eh, hehehe.. pero mukhang interesante ang lasa nyan.. :)
nice view... happy huwebes... :)
ReplyDeleteang ganda ng shot mo sa GB5. yong first time kong matikman ang coffee alamid na yan, medyo nag-hesitate din ako (hahaha). i don't blame your mother---i'm sure nanay ko kahit tikim ayaw non. hahaha
ReplyDeletemalling din ang kadalasan naming pagliliwaliw diyan sa atin. nahomesick ako bigla. huhu! may laban talaga ang mga malls natin sa mga malls dito...mas maganda pa nga ang atin!
ReplyDeletehappy huwebes!
Munchkin Mommy: Liwaliw sa Palisades Park
Mapped Memories: Liwaliw sa Mustangs at Las Colinas
Ako rin di pa nakakapunta ng GB5 o nakakainom ng coffee alamid. Mukhang madaling gawin ang pagliwaliw sa GB5. Sobrang hirap namang uminom ng kapeng alamid. Magandang Hwebes!
ReplyDeleteay di ko ata kaya ang kapeng alamid..adventuruous ako pero di ko alam kung kakayanin ko yan :D
ReplyDeletemaligayang pagliliwaliw! nakakaaliw na larawan. :)
ReplyDeletehttp://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/08/lp-20-liwaliw-sa-disneyland-paris.html
pupunta ako sa gb3 4 & 5 pag-uwi ko hehehe. at siguro pareho kami ng magiging reaction ni mamarazzi tungkol sa kape alamid. :D
ReplyDeleteang ganda na talaga ng greenbelt... parang di naghihirap ang pilipinas.
ReplyDeleteSa Greenbelt ba yung may restaurant ni Pilita Corales, where they serve great pizza? First time namin na nakarating dun eh kaya di ko sure ;D
ReplyDeleteI believe na Malling talaga ang ultimate liwaliw expirience mapalalake man o babae.
Happy LP
wow! parang palaki ng palaki ang greenbelt...dami na naming na miss na magagandang lugar sa Pinas.
ReplyDelete22 | Paparazzi
ReplyDeleteAugust 18, 2008 at 9:08 pm | edit
Alamid Coffee, anyone? This again is an illustration that what you do not know does not hurt. Yes? Your Mamarazzi’s experience is like that until she was told about the Alamid Coffee. But I like it the reason I drank it with obvious relish. It is like eating Durian which smells like hell but tastes like heaven!
Linnor replied:
HI PAPARAZZI! Korek… Buti na lang di nai-kwento ni Junnie sa cellphone conversation nila ang tungkol sa coffee alamid or else, di talaga titikim si mader. :D