Thursday, October 16, 2008
Litratong Pinoy: Bago Nga Kaya?
Noong ika-12 na kaarawan ni Kyle, minabuti kong bilhan siya ng mga libro bilang isa sa mga regalong galing sa amin. Nang mabili ko na ang mga libro, pati ang aming 15 taong gulang na panganay ay na-engganyong humiram nito. Nakakatuwa dahil sa kabila ng mga makabagong electronic na gamit nila gaya ng cellphone, ipod, kompyuter, Playstation at PSP, nahihilig pa rin sila sa pagbabasa.
Ang mga bagong librong hard-bound na ito ay nabili ko sa halagang P375 (suma tutal). Mura diba? Naka-sale na kasi, taong 2008 pa yung almanac gayong patapos na ang taon at papasok na ang 2009.
Ikutin natin ang mga litratistang Pinoy/Pinay para tingnan kung ano naman ang bago sa kanila.
Labels:
Litratong Pinoy,
Take 5
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
pati ako naingit ant na enganyong magbasa nyan :) ang laki nang natipid mo ate :)
ReplyDeleteeto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Mura nga talaga, at mas nakakatuwa na nae enjoy ng mga kids mo. Maramign bata na ngayon ang ayaw humawak ng libro :(
ReplyDeleteAng ganda! Ang aking anak ay mahilig nga din magbasa. Laki ng tpid nga:D
ReplyDeleteIto ang aking Bago Nga Kaya na lahok;-) Happy LP!
Paborito ko ring bigyan ng mga libro ang mga anak namin. Buti na lang at mukhang nahihilig din silang magbasa. Ika nga, "a book can take you places", di ba? Murang uri ng "recreation"na, may natututunan at masaya ka pa! :)
ReplyDeleteMaganda ngang i-enganyo ang mga bata na magbasa, ang problema lang madalas mahal talaga ang mga aklat kaya hindi na rin nakakapagbasa ang karamihan sa mga kabataan ngayon. Aminado ako, hindi rin ako nagbabasa ng aklat sa kadahilanang ito.
ReplyDeleteAng aking lahok ay naka-post na dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
uy mura na yun... happy huwebes!!! :)
ReplyDeletevery good deal!!!! sana makahanap din ako ng mga librong ganyan para sa mga anak ko! :)
ReplyDeleteMgandang regalo nga yan,, very informayive sa mga bata..
ReplyDeleteako rin may lahok.. nandito sa http://aussietalks.com
Super mura niyan, Linnor. Good buy. It's good to encourage children to read. Masyado na ang mga bata ngayon sanay sa mga hi-tech na gamit eh.
ReplyDeleteMahilig din ako magbasa ng mga ganyan:D At mura ha, pwede- pwede:D
ReplyDeleteMura nga ha. Totoo ang binanggit mo kaya ako basa pa rin ng libro sa mga bata! Happy LP!
ReplyDeleteperam niyan...Top 100 lists kasi ehh....sarap basahin..
ReplyDeletePahiram naman..
ReplyDeleteNandito po ang sa akin..
Happy LP!
wow! ang mura nga! ;-) i think books are a great investment for kids too
ReplyDeletehay... i wish i can pass my love for reading to my nephews. All they do is play the computer. Pano mo po sila na-eenganyong magbasa?
ReplyDeleteuy... great find!
ReplyDelete17 | linnor
ReplyDeleteOctober 22, 2008 at 6:44 am | edit
Hi All,
Salamat! Swerte ko na nakita ko ang mga magaganda at murang mga libro na yan. :) Di talaga nakakahinayang bumili pag mura na, makabuluhan pa.