Thursday, April 3, 2008

Bilog

Caviar pie as Christmas gift
caviar cheesecake
---


Nakatikim na ba kayo ng caviar cheesecake? Noong nakaraang Pasko, nakatanggap kami nito. Syempre pa, agad naming tinikman. Kakaiba ang lasa nya dahil likas na maalat ang "caviar" at maasim-asim naman yung "cheesecake". Sa kagaya ko na mahilig sa mga matatamis (hello diabetes!), akala ko hindi ko magugustuhan ang lasa nito. Pero sa totoo lang, ang sarap ha! Parang bigla akong nagkaroon ng "acquired taste" for caviar (pa-sosy epek). Sabagay, kahit anong "dessert" yata ay kakainin ko.... kaya di na kataka-taka.

Oo nga pala.... Bakit ako biglang nagsulat sa Tagalog? Di naman buwan ng wika ngayon. Ito kasi ang "requirement" sa Litratong Pinoy kung gusto mong sumali sa kanilang lingguhang palaro. Ang tema ay "Bilog" para sa linggong ito kaya ayan, ang "caviar" na itlog ng beluga whale ay bilog na maliliit. Yung cheesecake ay korteng bilog rin kaya lang may bawas na (hmmm sino kaya may kagagawan?).... :P Buti na lang napiktyuran ko pa ito bago tuluyang naubos.

24 comments:

  1. wow, di ko maisip ang lasa nya.. saan mo sya nabili, linnor? hahanapin ko sya sa susunod na uwi namin sa pilipinas. ;)

    ReplyDelete
  2. HI TIN!
    Di ko matandaan kung ano ang nakalagay na label sa box. :D Bigay lang kasi yun. Obvious na naubos agad at naitapon ang box no? Hehehe...

    ReplyDelete
  3. kakaiba yan linnor ah :) galing ng nakaisip.

    ReplyDelete
  4. HI STAR!
    Oo nga eh... sya yung tipo na kailangan mo tikman para malaman mo kung masarap nga. :D Tama si Tin, parang mahirap ma-imagine yung lasa nya.

    ReplyDelete
  5. May nagbigay din sa kin ng caviar cheesecake nung Pasko, personal size lang. Orange yung pangibabaw. Di ko sya nagustuhan. Siyempre no comment na lang ako nung tinanong ng nagbigay. Smile na lang.

    ReplyDelete
  6. hmm...interesting! gusto ko makatikim nyan! :)

    ReplyDelete
  7. HI EM DY!
    Hehehe... Ganun ba? Pag meron pang nagbigay ulit sayo, pls pass it to me :D

    ReplyDelete
  8. Hi Ms. Linnor, kakaibang cheesecake nga ito! At ang daming bilog nga nyan LoLs!

    Nuong una ay pa-sosi epek din ako, kumain ng crackers sa party na may caviar, o cge lang kahit maalat, sabay lagok ng wine....
    pero nawala ang interest ko na kumain nito ulit dahil nalaman ko na halos extinct na beluga whales dahil hindi naman kinakain ang laman nito matapos wakwakin ang mga tyan para lamang sa itlog,itinatapon na lang

    pero gusto ko ng cheesecake, meron ka pa? kahit ilalim lang :D

    ReplyDelete
  9. hindi ko na yan naabutan ah...sayang.

    ReplyDelete
  10. napakagalante naman ng nagregalo, mucho expensive siguro yan dahil sa caviar?? ang galing naman ng pic, puro bilog :D mula sa caviar hanggang sa lemons na garnish. yun nga lang may nagutom hehee.. :P

    maligayang huwebes sis! :)

    ReplyDelete
  11. alam ko na agad na caviar yan, pero di ko akalain na cheesecake pala, sayang nung december pa pala ito, sana man lang nakatikim ako, hehe. o di ba hindi naman requirement ang magtagalog sa comments, pero ewan ko ba, ituloy na din dito kahit sa comment section.

    ReplyDelete
  12. hi linnor! nagdouble take ako bigla nung narealize kong caviar ang nasa ibabaw ng cheesecake. titikman ko pa rin yan...kung may magreregalo. hahaha! nagutom ako bigla. :D

    Munchkin Mommy
    Mapped Memories

    ReplyDelete
  13. HI LIZETH!
    Yan di ang first impression ko. :)

    HI THESERIE!
    Salamat sa info tungkol sa beluga whale... Di malayong maging extinct nga sila kung ganun ang gagawin ng mga negosyante. Hay...

    Hehehe.... wala nang natira. Di man lang nakuhang tumagal nung cake sa bahay! :D

    HI JUNNIE!
    Oo nga... :) Hindi kasi sya parang wine na puedeng itago. Hehehe...

    HI MEEYA!
    Hahaha.... Maligayang Huwebes din ate (joke!)! Kain ka...

    HI GIRLIE!
    Napansin ko nga din na puro Tagalog na pati ang comments! :) Salamat sa pagdalaw!

    HI WENG!
    Ako yata, makakatikim lang ng ganito kung may magbibigay. Parang di ko sya afford kasi caviar eh. :D

    ReplyDelete
  14. Sossy nga! Caviar! Mahilig ako sa cheesecakes! Pero hindi pa ako nakakatikim ng Caviar kahit lagi ko itong nakikita sa pamilihan at mga kainan. Ang ganda ng litrato mo! :) Masayang LP! :)

    ReplyDelete
  15. OMG that thing is HEAVEN!

    masarap talaga! (thats the best I can do for you :p

    ReplyDelete
  16. HI GREY!
    Sayang di ko alam saan makakabili ng caviar cheesecake.

    Ang bilis ko namang naitapon yung box kasi. :D

    HI NOTSQUARE!
    Quite a combination = caviar + cheesecake

    Sige pa....Kaya mo pa mag-Tagalog.... :D

    ReplyDelete
  17. that is definitely one of the most unsual deserts i've seen, and i think i may like it. mahilig kasi ako sa maasim at maalat. hehehe ;)

    ReplyDelete
  18. HI SARDONIC NELL!
    I agree and I hope to have a taste of that unusual dessert again :)

    ReplyDelete
  19. wow, ang daming maliliit na bilog! tapos kasama pa ang kinalalagyan nyang malaking bilog na cheesecake. :)

    i love cheesecakes! hmmm, di pa ako nakakatikim nyang caviar. sana matikman ko rin in the future, hehe.

    hanggang sa susunod na linggo! maari mo ring bisitahin ang aking (mga) bilog. ;)

    ReplyDelete
  20. HI DRAGON LADY!
    Dinalaw ko din ang mga bilog mo... Ang gaganda lalo na yung pizza... ehehehe.... Hanga ako sa sipag mo maglagay ng maraming bilog. :)

    ReplyDelete
  21. unang dalaw ko po dito sa bahay nyo.

    di pa ako nakakatikim ng "caviar" marahil dahil sa di ako naeenganyo na tikman ito. Pero sabi ng mga kaibigan ko masarap daw po ito at lubhang mamahalin.

    Naka paskil na din po ang Bilog ko, medyo natagalana lang sapagkat nangaling pa ako bakasyon. Magandang linggo sa iyo kaibigan.

    ReplyDelete
  22. HI BLUEP!
    Salamat sa pagdalaw! :) Balik ka ulit. :D

    ReplyDelete
  23. Oh wow, yum! I wonder how that tasted like!

    ReplyDelete
  24. HI TONI!
    It sure tasted different in a good way for me. :D

    ReplyDelete