Thursday, April 17, 2008
Apat na Kanto
Ang mga bintanang may apat na kanto sa Staten Island Ferry... Nakikita ba ninyo ang maliit na hugis ng "Statue of Liberty" sa "background"? :)
---
Ito ang aking "entry" para sa Litratong Pinoy para sa temang: Apat na Kanto
Isang araw lang namin nilibot and New York. Para makita namin ng malapitan ang Statue of Liberty, sumakay kami ng "ferry" na papuntang "Staten Island". Libre!
Sa mga nagtitipid, ito ang pinaka murang paraan para makita ang kahanga-hangang estatuwa, ang Manhattan "skyline" at ang Hudson "river".
Eto ang ilan sa tanawin na nakita namin habang sakay ng Staten Island Ferry:
Ang Manhattan "skyline"
---
Ang "Statue of Liberty"
Labels:
Litratong Pinoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
impressive buildings and of course the magnificent liberty, kelan ko kaya masisilayan yan? nakakabitin kapag max na zoom out ano?
ReplyDeletelovely shots, Linnor...hanggang sa susunod na Huwebes!
Hi Thess! Nakakabitin nga... Thanks... Till next Thursday!
1 | Meeya
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 7:45 am | edit
hi linnor, ang galing naman ng framing. :) nagkaroon din kami ng pagkakataon makasakay sa ferry at makita ang istatwa ng kalayaan. :) (sana umandar: andito ang pic na kinuhanan ko habang ang asawa ko naman ay kumukuha rin ng litrato.)
happy LP! :)
Meeya’s last blog post..Hop-Hearted
Linnor replied:
Hi Meeya, (marikit) sis! Ganyang-ganyan din ang pustura ko gaya ng hubs mo. Hahaha! Dala ng sobrang pagtitipid namin, di baleng malayo, makita lang namin ang Statue of Liberty. Todo “zoom” pa kamo ang camera ko.
4 | Em Dy
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 1:03 pm | edit
Nakakatuwang pagmasdan ang skyline at statue of Liberty. Parehong New York na New York.
By the way, gusto ko ang bagong layout ng blog mo.
Em Dy’s last blog post..Banig
Linnor replied:
Hi Em Dy! Sayang lang, di ko na nakita ang Twin Towers. Nakakalungkot. Ground Zero na lang ang nakita ko.
Binago ko yung layout kasi di compatible yung luma sa commentluv na plugin. :) Salamat!
3 | julie
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 9:13 am | edit
Napakaganda ng iyong mga larawan, Linnor.
julie’s last blog post..Litratong Pinoy: Apat ang Sulok Ko
Linnor replied:
Hi Julie! Salamat sa compliment. ;)
2 | komski kuno
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 9:11 am | edit
Ganda nung litrato ng bintana:D Parang ang presko maglayag sa dagat:) Hehe, isang beses pa lang ako nakasakay ng ferry, nung nagpunta kaming corregidor. Salamat sa pagbisita sa blog ko:D
Linnor replied:
Hi Komski Kuno! Parang maaliwalas nung panahon na yon pero napakalakas ng hangin kapag sinubukan mong ilabas ang ulo sa bintana. :) Natakot nga akong liparin yung salamin ko.
8 | Pinky
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 4:19 pm | edit
Hi Linnor! Loved your scenic shots of NY! As for your first shot – now, that’s what a picture window should look like! Such a breath-taking view (*sigh*)…
Thanks for sharing these! A bloghoppin’ Thursday to you! ;)
Pinky’s last blog post..LP #3: Apat na Kanto
Linnor replied:
Hi Pinky! Glad you liked the shots :)
7 | Ambo
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 3:52 pm | edit
New York New York oh i love New York hanggang Cubao lang ako eh. hahaha. I love your photos lalo ng yung mga buildings. Magaling ang iyong mga litrato kaibigan. mabuhay ka!
Ambo
ambothology.com
pinoyambisyoso.com
pinoytek.net
Ambo’s last blog post..Transistor
Linnor replied:
Hi Ambo! Dati hanggang Cubao din lang ang New York na alam ko at nakita ko. Pinalad lang makatungtong sa tunay na NY noong 2006 dala ng trabaho. Salamat sa compliment. Blush na ako. Hehehe…:D
6 | Weng
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 3:25 pm | edit
hi linnor! gusto kong muling makabalik sa new york. 2003 ang huli (at una!) naming pagbisita. sumakay rin kami ng ferry. :) ang gaganda ng iyong mga litrato! promise! :)
Munchkin Mommy
Mapped Memories
Linnor replied:
Hi Weng! Yun din ang wish ko. :) Salamat talaga sa compliment, promise! Hehe..:D
5 | tin
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 2:53 pm | edit
aha! magkatulad tayo ng tema, ngunit sa yo ay masaya sa kin ay malungkot. hi hi :)
tin’s last blog post..LP 3: Apat na Kanto (Four Corners)
Linnor replied:
Hi Tin! Oo nga ano…. Di ako nakakuha ng litrato sa Ground Zero na may parisukat. :D
10 | mousey
ReplyDeleteApril 17, 2008 at 8:54 pm | edit
wow! ang ganda ng mga kuha mo.
Linnor replied:
Hi Mousey! Thanks!
11 | Clikcing Away
April 17, 2008 at 10:13 pm | edit
Linnor, ang ganda ng mga pictures mo. Gusto ko yung effect ng bintana mo. Ang dami ring apat na sulok na gusali ang NY skyline. Ang ganda rin ng tindig ni Ate Liberty :)
Clikcing Away’s last blog post..LP003 – Apat na Kanto
Linnor replied:
Hi Clicking Away! Salamat, na-chambahan lang. Maganda rin kasi ang subject/s ng litrato :)
12 | alpha
April 17, 2008 at 11:21 pm | edit
ang ganda, lalo na ang unang larawan.
alpha’s last blog post..By: mousey
Linnor replied:
Hi Alpha! Tenkyu!
13 | Dragon Lady
April 18, 2008 at 12:29 am | edit
nagustuhan ko ang iyong mga lahok lalo na ang unang larawan. :) na-miss ko bigla ang NY! taong 2005 noong ako’y makapunta dyan at makasakay nang ferry para maikot rin ang mga karatig-lugar. hanggang sa susunod na huwebes, linnor!
Dragon Lady’s last blog post..L.P. #3: Apat na kanto
Linnor replied:
Hi Dragon Lady! Salamat! Sana makabalik ka ulit sa NY, pati na rin pala ako. :)
14 | analyse
ReplyDeleteApril 18, 2008 at 3:38 am | edit
sayang, di ko man lang nasilayan ng malapitan si manang liberty nung nasa NY ako, haba kasi ng pila.. hmmm, sana me susunod pa.. kaya lang, dami na ng inakay ko nun, lol
analyse’s last blog post..Dalaga Ako Ngayon
Linnor replied:
Hi Analyse! Di ko rin nakita up close si liberty, sa zoomed-in shot na lang… Hahaha… Cute pag nadala mo ang mga inakay mo sa NY.
15 | Girlie
April 18, 2008 at 5:12 pm | edit
hay naku kami 3 araw sa New York, pero di man namin napuntahan yan, kainis…di bale sa susunod nalang na byahe
Girlie’s last blog post..Kava Products
Linnor replied:
Hi Girlie! Wow 3 days na pagi-ikot! Saya! Sana maulit, tapos sana mapuntahan nyo na si Liberty. :)
16 | yvelle
April 18, 2008 at 7:28 pm | edit
maganda ang iyong mga larawan. maligayang araw! :)
yvelle’s last blog post..LP #3 Apat na Kanto
Linnor replied:
Hi Yvelle! Maligayang araw din! Salamat!
Reply
17 | Grey
April 18, 2008 at 8:58 pm | edit
naalala ko tuloy dito ang sex and the city girls nun sumakay din sila ng ferry :) maganda ang litrato ng parisukat mo. :) hanggang sa susunod na huwebes!
Hi Grey! Yung Sex and the City Tour sana ang isa sa gusto kong magawa nun. Kaso kapos na talaga sa oras… Sana meron ulit kasunod na byahe.
18 | adinille
April 19, 2008 at 9:32 am | edit
Salamat. Ipinasyal mo kami sa New York. :)
Linnor replied:
Hi Adinille! Walang anuman. :)
19 | Junnie
ReplyDeleteApril 20, 2008 at 6:38 pm | edit
Eto ang kuha ko sa parehong araw at oras ng pagkuha mo ng litrato na yan….Hugis parisukat din di ba?
at eto naman ang litrato mo na kung saan ang bata ay manghang na mangha sa mga pagkukuha mo ng litrato?
Junnie’s last blog post..Metamorphosis
Linnor replied:
Hi Junnie! Ay ako pala yan! Parisukat din ang hugis ng katawan ko! Hahahah! Kainis! :P Sana maulit yung pamamasyal natin. :D
20 | Lizeth
April 22, 2008 at 8:16 am | edit
ang ganda ng iyong mga kuha. ang pinakagusto ko ay ang bintana sa ferry. :)
Lizeth’s last blog post..Statement of Gratitude
Linnor replied:
Salamat Lizeth! :)
21 | mamajo
April 23, 2008 at 9:51 am | edit
ganon katagal na pala ako nawala…nag=revamp ka na rin ng blog!!! nice pics, as always :)
Linnor replied:
Mamajo, marikit sis! Yeah, i had to use this template kasi di umaandar ang commentluv sa luma.
22 | JO
May 3, 2008 at 3:08 am | edit
ang ganda!
Linnor replied:
Aw… salamat Jo!