caviar cheesecake---
Nakatikim na ba kayo ng caviar cheesecake? Noong nakaraang Pasko, nakatanggap kami nito. Syempre pa, agad naming tinikman. Kakaiba ang lasa nya dahil likas na maalat ang "caviar" at maasim-asim naman yung "cheesecake". Sa kagaya ko na mahilig sa mga matatamis (hello diabetes!), akala ko hindi ko magugustuhan ang lasa nito. Pero sa totoo lang, ang sarap ha! Parang bigla akong nagkaroon ng "acquired taste" for caviar (pa-sosy epek). Sabagay, kahit anong "dessert" yata ay kakainin ko.... kaya di na kataka-taka.
Oo nga pala.... Bakit ako biglang nagsulat sa Tagalog? Di naman buwan ng wika ngayon. Ito kasi ang "requirement" sa
Litratong Pinoy kung gusto mong sumali sa kanilang lingguhang palaro. Ang tema ay "Bilog" para sa linggong ito kaya ayan, ang "caviar" na itlog ng beluga whale ay bilog na maliliit. Yung cheesecake ay korteng bilog rin kaya lang may bawas na (hmmm sino kaya may kagagawan?).... :P Buti na lang napiktyuran ko pa ito bago tuluyang naubos.